Martes, Setyembre 27, 2016

Anime




           Anime, isang insipirasyon sa akin to, nakakapag pagaan ng pakiramdam pag naiinis na. Maraming nagsasabi na para lang ito pampaubos ng oras, na dapat mga gawaing produktibo na lamang ang ginagawa. Pero sa akin, tama nauubos nga naman ang oras ko, pero gusto ko ng anime, may maganda naman itong nadudulot sa buhay ko. Di lang ito kasiyahan, may mga aral din na pwede matutunan depende sa buhay mo. Katulad ng anime na Gin no Saji at Fairytail, tinuturuan tayo na kahit anong mangyari, gaano it kalala, basta't andyan ang ating mga kaibigan, sasaya parin tayo, magtatagumpay din sa mga problema ng sama sama. Sa One Piece, lahat ng mga pangarap kayang matupad kung magpupursige, tiwala sa sarili at may dedikasyon sa layunin sa buhay.
                Yung mga sports anime naman, tinuturuan tayo na di lang talento ang basehan para manalo. Kung dumedepende ka lang sa talento mo malalagpasan ka pa ng mga taong nagpupursige. Dahil walang silbi ang talento kung walang pundasyon. Sabi nga ni Kevin Durant "Hard work beats talent when talent fails to work hard" and napatunayan na niya sa kanyang sarili iyon. At yung sa Chihayafuru, na kailangan mo gawin kung ano gusto mo, at wag mo hayaan na may humadlang sa gsuto mo marating sa buhay, na kahit ano man ang mangyari tanggapin mo kung ano man ang darating sa buhay. 
                 Ang tungkulin ng wika sa artikulo bilang sanggunian ko, ay Pampersonal, dahil sa opinyon na ang anime ay hindi basta basta pampaubos oras lamang. Ang antas ng wika ay Pamansa dahil pwede naman gamiting ng buong bansa ang wikang iyon.  Ang barayti ng wika ay Idyolek dahil sa ingles lang ang pamamaraan ng kanyang pagsusulat.

Lunes, Setyembre 26, 2016

Manhid

           Mula sa aking nabasa na artikulo, ang pagiging manhid daw ay walang nararamdaman (tama) walang pake (tama) inggit at selos (mali) makasarili o sarili lang ang iniisip ( maaring tama at mali) puppet (mali). 
           Sa aking opinyon, hindi porket na manhid ka na, wala ng respeto o minamaliit mo na ang ibang tao, di lahat ng taong manhid ay masasama. Di naman lahat selosa/seloso, siguro dahil ganon ang iba, ay dahil kompetisyon ang tingin nila sa iba, ayaw nila magpalamang.
           Sarili lang ang iniisip, oo pwede dahil top priority ang sarili, sarili naman kasi muna bago iba, kung nalalaman mo ang sarili mong kamalian sigurado kong hindi ka basta basta makakagawa ng masama sa kapwa at kung kilala mo na sarili mo madali ka na magbago ( pagbabagong nagdudulot ng positibo). Minsan may mga bagay sa ating sarili na hindi natin nalalaman bagkus kadalasan natin ito nakikita sa ibang tao, bakit? syempre di mo kilala ang sarili mo. Puppet, kadalasang nagiging puppet ang isang manhid na tao ay dahil sa kanyang nakaraang karanasan, kadalasan mahina ang loob nila at may naguudyok sa kanila na gawin ito, pero para sa akin, magiging puppet ka  lang kung tanga ka, tanga na naniniwala sa mga taong maari ka hilahin pababa, ipamalas mo ang tunay mong kakayahan, para di ka basta basta nagagamit ng tao.
            Ako, isa akong taong manhid, kadalasan wala talaga akong pake sa iba, di rin ako selosa yung tipong gusto ko sakin lahat ang atensyon, actually kabaligtaran gusto ko mapag iisa madalas. Oo minsan sarili ko lang talaga iniisip ko, wala naman kasing katuturan kung papahalagahan mo ang taong di ka rin naman pinapahalagahan, at alam ko naman sa sarili ko na masama maging makasarili lagi, kaya may porsyento parin naman na natitira sa kapwa. Di ko rin minsan maintindihan ang emosyon ng iba (katulad ng umiibig sila kahit na alam nilang masasaktan sila) ang hirap din kasi magbigay ng simpatya tungkol doon :)
            Ang tungkulin ng wika mula sa nabasa kong artilkulo ay Pang impormatibo, dahil nagbibigay siya ng impormasyon tungkol sa pagiging manhid. Ang antas ng wika ay Pambansa dahil purong ingles at malalalim na salita ang kanyang isinaad. Ang barayti ay Idyolek dahil lumulutang ang mga katangian ng taong nagsasalita.

Federalismo

                               


                                         
           Bagama't marami ang hindi sumasang-ayon sa plano ni Duterte, marami saatin ang di nakakaalam sa kanyang paninindigan. Gusto ni Duterte itaguyod ang federalismo. Ano nga ba ang Federalismo? ito ay isang sistema ng pamamahala kung saan ang bawat estado ay may sariling pamamahala na may kalayaan mula sa sentralisadong pamahalaan.
    
            Ang kapangyarihan ay mahahati mula sa National Federal Goverment at Local State Goverment para maibudget ang mga pera ng bayan sa maayos na paraan. Bawat estado ay makakapanatili ng 80% na kita at pondo, ang 20% ng pera ng isang bayan ay mapupunta sa sentralisadong pamahaalan at National Government. Ang 30% ay mapupunta sa Local State Government at 70% naman ang sa mga lungsod, munisipalidad at barangay.

              Naniniwala si Duterte na pwede nating makamit ang repormang pang ekonomiya at pag unlad. At naniniwala siya na ang Federalismo ay angkop sa bansa, kaya halina't tayo'y makiisa sa mga usapang pang bansa at maging mapanuri sa mga kaganapan.

              Mula sa aking napanood sa facebook na Federalismo na nakatulong para magawa ko itong blog, ang tungkulin ng wika ay Pampersonal, dahil opinyon ng speaker na di lahat ng tao naniniwala kay Duterte. At ang isa pang tungkulin ay Pang impormatibo, dahil nagbibigay siya ng mga datos ng plano ni Duterte. Ang antas ng wika ay Pambansa, dahil ito ay mga salitang kabilang sa wikang pilipino. Ang barayti ng wika ay Idyolek, dahil ito ay nakagawiang paraan sa pagsasalita ng isang indibidwal.